Trending

6 Pulis – Olongapo, Tinanggal sa Pwesto Dahil Sa Panggagahasa, ‘Sex Show’ ng Preso

Google+ Pinterest LinkedIn Tumblr

Ayon kay Olongapo City Police Office Director Melchor Cabalza III, nag-text sa kaniya ang isang concerned citizen tungkol sa isang babaeng drug suspect na umano’y ginahasa habang nakakulong sa Station 5.

Ayon sa imbestigasyon at sa sinumpaang salaysay ng biktimang itinago sa pangalang “Megan”, inutusan siya ng desk officer na si PO1 Gaylord Calara na magtapon ng basura noong madaling araw ng Hunyo 29, bago sila ilipat sa city jail.

Pabalik na siya ng selda nang tawagin siya ni PO1 Raymond Diaz kasama sina PO1 Ed Mesias, PO2 Nelson Abalos, at PO3 Stevie Rivera.

Pinapasok umano siya ng mga pulis sa isang kuwarto sa presinto at inutusang sumayaw nang nakahubad dahil alam daw nilang dancer siya sa club.

Sumayaw naman umano siya dahil sa takot pero hindi siya naghubad.

Naiwan sa kuwarto si Diaz at doon na umano siya pinagsamantalahan.

Dagdag pa niya, nagulat siya nang may pumasok na limang pulis kasama ang presong si alyas “James” na kasama ni Megan na nahuli sa drug raid.

“Inutusan daw silang dalawa. Ang sabi daw ng mga pulis ‘bago man lang kayo maibiyahe bukas, mag-sex na kayong dalawa, mag-show kayo’, ‘yon daw nag-show ‘yong dalawa, pinilit sila,” ani Cabalza.

Bago man lang kayo maibiyahe bukas, mag-sex na kayong dalawa, mag-show kayo.

Kuwento nina Megan at James, nagtatawanan ang mga pulis habang pinapanood silang nagtatalik at sumunod sila dahil sa takot.

Sinampahan naman ng kasong rape sa piskalya at kasong administratibo sa Regional Internal Affairs Service sina Diaz, PO3 Diosdado Alterado, Rivera, Abalos, Calara, at Mesias.

Inalis na rin sila sa puwesto kasama ang station commander nilang si Chief Inspector Nasser Abdurasul.

Source: ABS CBN

Write A Comment