Government

15 Anyos na Bihag ng Maute, Ginahasa sa Harap ng Ina

Google+ Pinterest LinkedIn Tumblr

Hindi napigilan ng isang ginang na maiyak habang ikinukuwento ang mapait na karanasan nilang mag-ina sa kamay ng mga terorista.

Ani ginang, wala siyang nagawa nang gahasain  sa kaniyang harap ang 15 anyos na dalagitang anak. Paulit-ulit din siyang tinanong ng anak noon kung kailan matatapos ang kanilang bangungot.

Bakit ganito ang nangyari sa’kin, mama? Bakit ganito ang nangyari… ito lang ang inabutan ng buhay ko? Nagahasa nila ‘ko sa harap ninyo.

See the video here.

Madaling araw noong Linggo, Oktubre 15, nakunan ng isang sundalo ang nangyaring paglusob at pagbibigay ng paunang lunas sa babaeng ginawa umanong “human shield” ng mga terorista.

Umiiyak ang babae, kasama ang isa pang babaeng may tama ng bala sa likod.

Agad siyang inasikaso ng mga sundalo, binigyan ng tubig at nilagyan ng dextrose.

Maririnig pa sa video na sinasabihan ang biktimang huwag mag-alala at buhay siya.

Matapos lapatan ng paunang lunas, dinala ang babae sa ambulansiya.

Source: ABS CBN

Write A Comment