Entertainment

Xander Ford: Hindi ako “Nanigaw” o “Nag Attitude”

Google+ Pinterest LinkedIn Tumblr

Malakas lang talaga ang kanyang boses, paliwanag ni Xander, marahil na-misunderstood lang siya ng mga tao na nakarinig sa kanya sa nagdaang guesting niya sa “Gandang Gabi Vice.”

Xander clarified with this statement.

Gusto ko lang pong sabihin sa lahat na ‘yung guesting ng ‘GGV’ ay okay naman po siya. Na-misunderstand lang po siguro ako ng mga tao doon dahil galing ako sa taping po… Akala lang po talaga ng taong nakarinig sa akin ay sumisigaw ako, pero hindi po talaga.

Tinanong lang nila ako kung sino ako at sumagot ako na ako si Xander Ford, pero mataas ang boses ko. Malaki lang po ang boses ko. Siguro po na-misunderstand lang po ng tao noong mga nakakarinig, pero hindi ako sumigaw o nag-attitude.

Ayon kay Xander, naayos naman at humingi na rin siya ng paumanhin sa mga taong nasaktan.

Okay na po, nag-sorry na rin po ako kung may nagawa po akong kasalanan sa kanila. Tama naman po ‘yon, sabi nila kapag pinagarap mo ‘yan, kapag pinasok mo, dapat lagi kang handa at maging humble po.

 

Write A Comment