Entertainment, Trending

Lola Nakapagtapos ng Grade 10 sa Edad na 79

Sa edad na 79, nagawa ni Lola Salvacion Nacario na makapagtapos ng Grade 10 sa Fort Bonifacio High School.

3 years si Lola nag-aral sa ilalim ng Alternative Learning System at 1 year sa Open University.

At nung moving up ceremony ng nasabing paaralan, masigabo at nakakabinging palakpakan ang sumalubong kay Lola Sally.

“Palakpak sila nang palakpak. Pa-picture pa nang pa-picture. Uuwi na nga ako nagpapa-picture pa din,”

Kuwento niya.

Ayon kay Lola Salvacion, naantala ang kanyang pag-aaral noong bata pa siya dahil sundalo ang kanyang ama. Madalas mapalipat-lipat ng tirahan ang kanilang pamilya.

Taong 2013 nung maisipan ni Lola na bumalik sa pag-aaral. Sa loob ng apat na taon, natapos niya ang Grade 7 hanggang Grade 10.

“Gusto kong pumasok sa PMA”

Balak ni Nanay Sally na pumasok sa Philippine Military Academy. Gusto niyang maging isang military nurse.

Dati pa itong plano ni Lola Sally subalit di niya ito natupad dahil pinagdaanan ng kanyang pamilya.

Dagdag ni Lola, dito siya humuhugot ng lakas at inspirasyon upang maabot niya ang kanyang pangarap. Sana’y matupad po niyo ang pangarap niyo, ‘Nay. #Fighting!

 

Read more: Which Teams(Memes) Got the Top Picks in NBA Draft Lottery?

Previous ArticleNext Article

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *