Entertainment

Panoorin: Paano Naghiwalay ang Kimerald

Google+ Pinterest LinkedIn Tumblr

Binalikan ng ex-PBB Teens housemates at dating loveteam Kim Chiu at Gerald Anderson ang kanilang paghihiwalay sa Gandang Gabi Vice.

Inamin nila na nag-uusap parin sila kahit tapos na ang relasyon.

Ayon kay Gerald,

“May mga times na break kayo, parang hindi break, tapos magbe-break ulit tapos hindi pala.”

Tinanong ng GGV host na si Vice Ganda kung napag-usapan ng ex-loveteam kung pwede pa ba silang magkabalikan.

“Hindi, hindi kasi talaga pwede,”

Tanggi ni Kim.

Pero umamin din siya na may mga panahon na umasa siyang maibabalik pa nila ang relasyon, na sila’y magkakabalikan pa.

Hay ate, aamin ka rin naman pala eh.

“Tapos nagte-text siya ulit, tumatawag siya ulit. Siyempre ako, as a girl. Oo, tanga ‘di ba, pero okay lang at least tapos na,”

Dagdag pa ni Kim.

 

Read more: When You Talk to Your Ex In Front of a Crowd

Write A Comment