Government

Labor Advisory Para sa April 28 Suspension

Good news! Mukhang walang opisina ngayong Biyernes ika-28 ng Abril, 2017. Mukha lang, di pa po tayo nakakasigurado.

Ayon sa Labor Advisory, ito’y para sa mga pribadong manggagawa sa Metro Manila lamang. Basahin muna natin:

DOLE MEMO

Alam ko iyang nasa mukha mo, naguluhan ka rin siguro.

“…rules for pay for their employees during suspension of work…”

“suspension of work”

“suspesion”

Ang linaw!

Kung ikaw ang may-ari o namamahala ng kompanya, ano gagawin mo?

A. Papapasukin ko ang aking manggagawa para naman may sahod sila
B. Di ko na sila papapasukin kasi may “suspension”, maliit lang papasok at sayang ang isasahod

Kung ikaw ang manggagawa ng kompanya, ano gagawin mo?

A. Papasok kasi may sahod naman, sayang din iyon kasi parang normal lang naman na araw iyon.
B. Di na ako papasok, sayang naman “suspension” nga diba at tsaka, wala namang overtime

Habang matagal pa ang Biyernes, sana nama’y linawin ito ng gumawa. Sayang kasi ang ganda magbakasyon sa araw na iyan, long weekend hanggang ika-1 ng Mayo pa naman.

Previous ArticleNext Article

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *