Entertainment

Jestoni Alarcon: Ang One-woman Man

Google+ Pinterest LinkedIn Tumblr

Siya ay isang sexy actor noon na kinababaliwan ng maraming babae. Hindi lang noon, pati pa rin ngayon. Tanungin mo pa ang nanay mo. Siya ay kundi ang wala ng ibang si, Jestoni Alarcon.

Si Alarcon ay hindi lang pangshowbiz sapagkat siya din ay sumabak sa mundo ng politika. Ngayon, siya’y nasa isang television series na “D’ Originals” na pinapalabas sa GMA Network.

Kung iisipon mo, babaero o playboy ang dating niya, pero hindi. Ikinasal siya sa kanyang non-showbiz wife noong 1992 at 25th anniversary nila noong taon. Narito ang kanyang masasabi tungkol sa kanilang pag-aasawa:

“Hindi smooth-sailing ang lahat.”

“Dumaan din kami sa ilang mga problema na hindi nawawala sa mga mag-asawa.”

“Kumbaga, normal naman ang tampuhan sa mag-asawa.”

“Kaya heto kami, masaya dahil we survived 25 years of our marriage.”

“May mga nagsabi sa akin before na dahil sa tagal ng marriage namin ni Lizette, naniniwala sila na may forever.”

“Basta mahal ninyo ang isa’t isa at maayos ang pamilya ninyo, yun na ang forever.”

Siya pa rin ang tunay na one-woman man. Maraming nalink sa kanyang mga leading ladies niya noong binata pa siya. Pero kung may karelasyon siya noon, stick to one lang at hindi tumitingin sa iba.

Ilang mga leading ladies na nalink sa kanya ay sina Rita Avila, Rachel Lobangco, at Gretchen Barretto.

Write A Comment